Ang Tanging Alay Ko

Napakahirap kantahin ang "Ang Tanging Alay Ko" sapagkat naparakami nang nagcover nito. Gayunpaman ay sinubukan ko...

Ang Tanging Alay Ko is one of the most popular Filipino religious or Christian songs in our country. Binabanggit dito sa awit ang isang taong nag-aalay ng kanyang buhay sa Diyos Ama at binibigyang diin na ang tanging buhay lamang niya maaring ibigay sapagkat iyong lamang ang meron siya. Ang nag-udyok sa kanyang pag-aalay ay ang pag-ibig ni Hesus sa kanya.

Ang Tanging Alay Ko lyrics ay natatanging nagdudulot ng kapakumbabaan ng isang tao sa harapan ng Diyos.

Napakapopular ang kantang ito ngunit nahirapan po akong hanapin kung sino ang my akda. Sa nag-composed ng Ang Tanging Alay ko song, maraming salamat.

Samahan po ninyo ako sa pag-awit ng Ang Tanging Alay ko sa pamamagitan ng pag-turn on sa CC or subtitles sa inyong video. God bless po.

Ang Tanging Alay Ko Lyrics

Salamat sa Iyo
Aking Panginoong Hesus
Ako'y inibig Mo
At inangking lubos
Ang tanging alay ko sa 'Yo, Panginoon
Ay buong buhay ko, puso at kalul'wa
'Di makayanang makapagkaloob
Mamahaling hiyas, ni gintong nilukob
Ang aking dalangin, oh, Diyos, ay tanggapin
Tanging alay ko, nawa ay gamitin
Ito lamang, Hesus, wala nang iba pa akong hinihiling
'Di ko akalain
Ako ay binigyang pansin
Ang taong tulad ko'y
'Di dapat mahalin
Ang tanging alay ko sa 'Yo, Panginoon
Ay buong buhay ko, puso at kalul'wa
'Di makayanang makapagkaloob
Mamahaling hiyas, ni gintong nilukob
Ang aking dalangin, oh, Diyos, ay tanggapin
Tanging alay ko, nawa ay gamitin
Ito lamang, Hesus, wala nang iba pa akong hinihiling
Aking hinihintay (hinihintay)
Ang Iyong pagbabalik, Hesus
Ang makapiling Mo'y
Kagalakang lubos

https://youtu.be/oVEsz-SPAkw


Comments

Popular posts from this blog

Diyos ng Himala JIL Worship Lyrics

Pintig ng Iyong Puso acoustic cover with Lyrics

Katutubong Daan in Pangasinan: Worshiping God by Admiring His Creation